pakiusap
Malamang marami nang nakakaalam kung ano na ang nangyayari sa ating bansa. Lahat ng tao ay may karapatang ipahiwatig ang kanyang nararamdaman. Ang hindi ko lamang maintindihan ay bakit puro RALLY lang ang ginagawa ng mga kapwa kong Pinoy? Anong magandang naidudulot ng isang rally? Hindi na ito tulad ng 1986 EDSA rally; sa sitwasyon ngayon, madaming "ulterior motives" - maraming mga taong nagbabalat-kayo. Madaming kaguluhan, away, at kapag natapos na ang rally, wala man lang nag-iisip maglinis sa kalat. (shempre lumabas ang pagka-OC ng lola)
Lahat tayo gusto ng pagbabago; sawa na tayo sa ganitong pangyayari. Pero hindi ba ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili natin mismo? Ang problema kasi, hilig nating sisihin ang kapalpakan natin sa ibang tao at ang mga pagbabago na gusto natin ay yung mga hindi madaling gawin. Para sa mga rallyista: Madaling sabihin na bulok ang sistema natin, na dapat palitan na ang administrasyon. OO, totoo yun. Hindi ako kokontra. Kung yun ang gusto ninyo, bakit hindi kayo makapagbigay ng taong karapat-dapat na tatayo bilang bagong pangulo o administrasyon? Kung hindi ninyo masagot ang katanungang ito, eh di nagsasayang lang kayo ng oras kaka-rally sa kung saang lugar, humihingi ng pagbabago.
Subukan muna nating tignan ang sarili nating dumi bago magpuna ng dumi ng iba. Ito'y simpleng pakiusap lamang.

